TULO-TULOY ANG PAGSULONG NG SILANG

TARGET ni KA REX CAYANONG

NAGING 5th Placer sa prestihiyosong “2023 Outstanding Local Civil Registry Office” sa buong lalawigan ng Cavite ang Silang. Hindi lamang ito pagkilala sa husay at galing ng serbisyong sibil kundi pati na rin sa pagpapakita ng pagmamahal at pag-alaga sa mamamayan ng Silang.

Nagpasalamat nang taos-puso si Municipal Mayor, Atty. Kevin Anarna, sa lahat ng mga kawani ng Municipal Civil Registry Office sa pangunguna ni G. Priscilla R. Tagle, sa kanilang dedikasyon at serbisyo.

Sa pamamahala ni Anarna, kasama si Municipal Administrator Nathaniel “Jung” Anarna, Jr. at sa buong lokal na pamahalaan, patuloy nitong isinusulong ang kahusayan at kaayusan sa lahat ng aspeto ng serbisyong pampubliko.

PHONE TABLETS PARA SA MGA ESTUDYANTE NG SILANG

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng sama-samang serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite at Pamahalaang Bayan ng Silang. Sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Mayor Anarna at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni G. Maricris II Aresana at PDAO/PWD Focal Person na si G. Joel M. Bonilla, ipinamahagi sa 15 mag-aaral na may kapansanan ang phone tablets bilang bahagi ng ating digital inclusion at Educational Assistance Program o Sunong Dunong.

Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng pagtutok sa pagpapalawak ng oportunidad sa edukasyon para sa mga mag-aaral na may kapansanan. Sa pamamagitan ng phone tablets, ang Silang LGU ay nagbibigay ng mga kagamitan na magagamit sa kanilang pag-aaral at pag-access sa teknolohiya.

Nagpapasalamat din si Anarna nang taos-puso kay Gov. Jonvic Remulla sa kanyang patuloy na suporta at tulong sa mga mamamayan ng Silang.

PAGTANGGAP KAY SENADOR IMEE MARCOS

Isang mainit na pagtanggap ang iginawad ng Silang kay Senador Imee Marcos sa kanyang pagbisita sa bayan kung saan personal niyang ibinahagi ang tulong pinansyal sa mahigit 1,200 benepisyaryo ng AICS program o Assistance to Individual/Families in Crisis Situation ng DSWD, kasabay ang pamamahagi ng Nutribun.

Kasama niya si Mayor Kevin Anarna, at ang iba pang mga opisyal ng bayan tulad nina Hon. Maricel E. Torres, Municipal Mayor ng GMA; Hon. Percival C. Cabuhay, Bise Mayor ng GMA; Hon. Dahlia A. Loyola, City Mayor ng Carmona; at Hon. Cesar Ines Jr., City Vice Mayor ng Carmona, 5th District Board Member Aldel Belamide, Hon. Macoy Amutan, Hon. Eric Cokiat Garcia at Hon. Ferdinand Amutan.

Lubos na nagpapasalamat si Mayor Anarna kay Senadora Imee sa kanyang walang sawang suporta at tulong para sa mamamayan ng Silang, Dasma, GMA at Carmona!

64

Related posts

Leave a Comment