VILLAR AT NP SA NEW ZEALAND

BADILLA NGAYON

NITONG Oktubre, pumunta sina dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar sa New Zealand.

Kasama ng mag-asawang Villar ang maraming mambabatas na kabilang sa Nacionalista Party (NP).

Ang matindi ay kasama nila ang ilang kongresistang hindi kabilang sa NP, tulad ng isang kongresista na kabilang sa Party-list.

Nalaman ko ang pagpunta nina Villar at mga kongresista ng NP sa NEW Zealand sa mga kamag-anak kong pumunta rin sa New Zealand ng panahong naroon din ang mga Villar at mga politiko ng NP.

Bago pa man ikuwento sa akin ang pagdalaw ng mga Villar at ng mga politikong kabilang sa NP, alam ko na ang pangyayari dahil mayroong kongresista na iniyabang sa social media na naroon siya sa New Zealand.

Ang kongresistang ito ay kinatawan ng mga manggagawa sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Ang kongresistang ito ay mahilig mag-selfie habang nasa Kongreso at pulong ng mga lider ng manggagawa.

Ang mambabatas na ito ay may asawang politiko.

Wala namang problema kung nakarating sila sa New Zealand.

Ang tanong ay: “Saan galing ang perang ipinamba¬yad ng pagpunta nina Villar at ng mga politikong kabilang sa NP at kinatawan ng mga manggagawa?

Sariling pera ng mga Villar?

O galing sa bulsa ng mga politiko, kabilang ang kinatawan ng mga manggagawa sa mababang kapulungan ng Kongreso?

Kung galing sa mga Villar ang perang ginastos para makapunta at magliwaliw sila sa New Zealand ay kailangang malaman kung sariling pera nila ang ginastos o galing sa pera ng pamahalaan.

Kailangang maging malinaw din kung ano ang layunin ng mga Villar sa pagsama ng mga kasapi ng NP at kinatawan ng mga manggagawa sa New Zealand.

Sa ganitong usapin, mag-iisip tayo, maraming magsasaka ang naghihikahos na mga magsasaka dulot ng Rice Tariffication Law.

Hindi rin tama ang pagsama ng ‘lokong’ kinatawan ng mga manggagawa sa New Zealand, sapagkat napakaraming problema ng mga ito.

oOo

Tumawag o mag-text lang po kayo sa 09985650271. (Badilla Ngayon / NELSON S. BADILLA)

273

Related posts

Leave a Comment