OVERPRICED FMR SA LUGAR NI ROMUALDEZ PINAIIMBESTIGAHAN

PINAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang umano’y pinakamahal na Farm-to-Market Road (FMR) sa distrito ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Tacloban City.

Sa House Resolution No. 421, na inihain nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Rep. Sarah Elago, at Kabataan Rep. Renee Co, inaatasan ang House Committees on Public Accounts at Agriculture and Food na siyasatin ang mga FMR project ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa National Farm-to-Market Roads Network Plan (NFMRNP) ng DA para sa 2023–2028, ang karaniwang halaga ng isang FMR ay nasa ₱9.486 milyon bawat kilometro.

Gayunpaman, P19.51 million kada kilometro ang inilalaang pondo kasama na ang drainage, natural integrity, climate proofing at karagdagang P1 million para sa “Better connectivity and street design”.

Nangangahulugan na overpriced ng P6.6 million ang bawat kilometro ng FMR subalit barya umano ito sa natuklasan ng tanggapan ni Sen. Sherwin Gatchalian kung saan nagkakahalaga ng P348,432 bawat metro sa Tacloban City.

Ang Tacloban City ay teritoryo ng pamilyang Romualdez na kinakatawan ng dating House Speaker na naobligang mag-resign sa gitna ng galit ng taumbayan sa anomalya sa flood control projects.

Ayon sa resolusyon, isang FMR project sa Barangay San Roque, Tacloban City ang nagkakahalaga ng ₱100 milyon, subalit 287 metro lamang o 0.287 kilometro ang natapos.

Sinabi pa ng mga mambabatas na marami pang kahalintulad na iregularidad sa FMR projects sa Camarines Sur, Bulacan, Eastern Samar, at Daraga, Albay — mga kasong hindi umano dapat palampasin.

“In light of the exposition of widespread and systematic corruption in the government, it is imperative for Congress to expose and hold accountable all those involved as it is unconscionable that billions of people’s money are to lost to corruption instead of being used for the benefit of the Filipino people,” ayon sa resolusyon.

(BERNARD TAGUINOD)

68

Related posts

Leave a Comment