P1-M DROGA HULI SA LADY TULAK

ARESTADO ang rank no.5 regional high value target (HVT) at nakumpiskahan ng mahigit isang milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod ng Pasig.

Ayon sa ulat ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya, kay P/BGen. Orlando Yebra Jr., kinilala ang naaresto na si Mobina Baluno y Unotan, 29, isang babae at residente ng Cagayan De Oro St., Maharlika Village, Taguig City, at nasa talaan ng pulisya bilang rank no. 5 regional HVT sa Priority Data Base on Illegal Drugs.

Napag-alaman, dakong 5:00 ng hapon noong Mayo 20, nagsagawa ang grupo ni P/Lt. Kenny Khamar Khayad ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU), ng anti-drug operation laban sa suspek sa Maharlika Village.

Nakumpiska sa suspek ang 19 transparent plastic sachet na may kabuuang 150 grams ng shabu at nagkakahalaga ng P1,020,000, isang sling bag kung saan nakalagay ang buy-bust money, at walong  tig-isang libo na budol money. (ENOCK ECHAGUE)

306

Related posts

Leave a Comment