Pinulitika dahil talo sa kanilang barangay KABATAANG SUPPORTERS NI BBM GINIPIT NI YORME?

INALMAHAN ng mga kabataan sa Brgy. 329, Lope de Vega ang malinaw anilang panggigipit ng lokal na pamahalaan ng Maynila dahil giniba at hinakot ng pamunuan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Department of Public Service (DPS) ang kanilang basketball court nang wala man lang koordinasyon sa sino mang barangay officials.

Napag-alaman na noong nakaraang Mayo 13, 2022 (Biyernes), nagtungo sa nasabing lugar ang pamunuan ng MTPB at DPS para kausapin ang mga ‘involved’ sa nasabing pa-LIGA ng barangay.

Ayon sa ilang tauhan ng LIGA, naging maayos naman ang kanilang usapan at hinikayat silang magtungo sa city hall noong Lunes (May 16) upang kausapin hinggil sa nakuhang impormasyon ng Pamahalaang Lungsod na ginagawang sugalan ang naturang basketball court.

Subalit Mayo 14 (Sabado) agaran na lang giniba ang Lope De Vega basketball court at walang nagawa maging ang mga opisyal ng barangay sa aksyon ng mga tauhan ni Mayor Isko Moreno.

Nalulungkot ang may 2,000 kabataang manlalaro na may 108 teams na lumahok sa LIGA at pawang BBM supporters na lubhang naapektuhan sa pagwasak ng nasabing court at maging ang kanilang mga magulang.

Sinabi ng mga manlalaro na wala naman silang ibang hangad kundi magkaroon ng paglilibangan upang makaiwas sa mga ilegal na droga o ano mang masamang bisyo o sugal.

Anila, simula pa noong 2007 nagsimula nang magkaroon ng LIGA sa kanilang lugar at walang ganitong uri ng karahasang nangyari.

At dahil na rin sa inilunsad na basketball program sa naturang barangay ay naging ‘drug clear’ ang nasabing lugar.

Kinokondena ng mga manlalaro ng Lope De Vega ang ganitong uri ng aksyon ng kasalukuyang administrasyon, na tahasang walang pagmamahal anila sa mga kabataang Manilenyo.

Sinabi pa ng mga kabataan na naging masakit para sa kanila ang pagkakagiba sa kanilang basketball court lalo na ngayong nasa Alert Level 1 na ang Maynila makalipas ang halos 2 taon nilang pagkakakulong sa bahay dahil sa pandemya.

“Pinulitika kami ni Isko nang matalo sila sa aming barangay,” sigaw ng mga manlalaro ng Lope De Vega.

183

Related posts

Leave a Comment