P15-M SHABU NASABAT SA TRIKE DRIVER SA LUCENA

LUCENA CITY – Umabot sa P15 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon PNP Drug Enforcement Unit (QPDEU) at mga tauhan ng Lucena City Police Station DEU, sa buy-bust operation sa Brgy. Ilayang Iyam, sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), isinagawa ang buy-bust operation laban sa 40-anyos na si alyas “Eric”, tricycle driver, sa kanyang bahay sa Brgy. Ilayang Iyam dakong alas-11:30 ng gabi.

Gamit ang P23,000 boodle money, at P1,000 genuine bill, nakabili ang mga awtoridad ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Matapos arestuhin ang suspek, nakumpiska pa ang 21 plastic bag ng hinihinalang shabu na may timbang na 750 grams at tinatayang P5,100,000 ang DDB value at may street value na P15,300,000.

Nasa kustodiya na ng Lucena Police Station ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

235

Related posts

Leave a Comment