P2-M NAABO SA NASUNOG NA BODEGA

UMABOT sa P2 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa bodega ng toothpaste at sabon na nasunog sa ikalawang pagkakataon nitong Martes ng madaling araw sa Malabon City.

Bandang alas-12:56 ng madaling araw nang magliyab ang bodega ng Prime One Packing Design Corp. sa #11 Mango Road, Brgy. Potrero.

Wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa insidente at wala ring nadamay na mga kabahayan sa sunog na inaalam pa ang ugat.

Umabot sa unang alarma ang sunog na idineklarang fire-out dakong ala-1:51 ng madaling araw.

Noong 2020 ay nasunog din ang naturang bodega sa nabanggit na lugar. (ALAIN AJERO)

126

Related posts

Leave a Comment