P25-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PNP, BOC

UMABOT sa P25,775,440 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Bureau of Customs mula Mayo, 2024 sa Northern Mindanao.

Ayon sa inilabas na report ng BOC-Cagayan de Oro, katuwang ang Philippine National Police (PNP), lumagpas na sa P25 million ang halaga ng illegally smuggled cigarettes na nasamsam sa kanilang pinaigting na anti-smuggling operations sa Northern Mindanao at kalapit na mga lalawigan.

Inihayag naman ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, “Addressing and preventing the illegal tobacco trade practices requires a team effort. ”

“Mahalaga na makipagtulungan ang Aduana sa ibang mga law enforcement agencies. Kaya pag-iibayuhin namin ang pagtatrabaho katuwang ang PNP at iba pang mga enforcement agencies, para masupil ang mga unlawful activities sa aming nasasakupan,” pahayag pa ni Comm. Rubio.

Sa pinakahuling ulat na isinumite ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO), sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Alexandra Y. Lumontad, nakasabat ang kanilang mga tauhan, katuwang ang local PNP kamakailan, ng 350 reams ng undocumented cigarettes sa Brgy. North Poblacion

Agad nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing kontrabando si DC Lumontad, bilang bahagi ng kanilang tuloy-tuloy na crackdown laban sa illicit cigarettes smuggling activities.

Ang nasabing smuggled items ay kinumpiska dahil sa paglabag sa Section 1113 (a)(f)(k) and Section 117 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to National Tobacco Administration Rules and Regulations.

Tinatayang nagkakahalaga ng P280,000 ang nakumpiskang sigarilyo base sa current market value. Sinamsam din ng mga awtoridad ang isang wing van truck na ginamit sa pagbibiyahe ng smuggled cigarettes. (JESSE KABEL RUIZ)

243

Related posts

Leave a Comment