KUMPISKADO ang P5.44 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa nadakip na tatlong high value target individual sa ikinasang anti-drug operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lungsod ng Pasig.
Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro Jr., ang mga nadakip na sina Mohaimen Rangaig y Pontinoc, 26; Mate Makebel y Alba, 33, at Isabel Tobosa, 26-anyos.
Nakumpiska sa mga suspek ang 13 sachet ng umano’y shabu na may timbang na 800 grams at tinatayang P5,440,000 ang halaga.
Ayon sa ulat, dakong alas-5:05 nang gabi noong Agosto 27, nasakote nina P/Lt. Kenny Khamar Khayad, chief ng Station Drug Enforcement Unit, at PEMS Romeo Taguilan, sa anti-drug operation ang mga suspek matapos bentahan ng droga ang mga operatiba sa Castillo St. sa lungsod. (ENOCK ECHAGUE)
246 