6 PATAY SA ROAD MISHAP SA ISABELA

ISABELA – Dead on the spot ang tumilapong sanggol at limang iba pang sakay ng tricycle at motorsiklo matapos na suyurin ng kasalubong na trailer truck sa bayan ng Tumauini sa lalawigang ito noong Sabado.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Tumauini Police, tinatahak ng tricycle at motorsiklo ang national highway sakop ng Barangay Balug nang bigla silang salpukin ng kasalubong na trailer truck na biglang sumakabilang lane.

Total wrecked ang tricycle na nanggaling sa isang kasalan at motorsiklo na minamaneho ng isang Indian national matapos silang salpukin ng trailer truck.

Nabatid kay P/Lt. Jessie Alonzo, Deputy Chief of Police ng Tumauini, nakainom ang driver ng truck at aminado ito sa kanyang pagkakamali.

Agad na namatay ang driver ng motorsiklo na si Kuldip Singh, 38, na taga-Gamu, Isabela.

Dead on the spot din ang mga sakay ng tricycle, kabilang ang driver na si Arnel Menor, 37; misis niyang si Diana Rose, 36; ang anim na buwang gulang nilang anak; at tatay ni Diana Rose na si Ernesto Caronan, 71.

Nagawa pang madala sa ospital ang misis ni Ernesto na si Elma, 64, pero pumanaw rin habang nilalapatan ng lunas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tumauini PNP ang driver ng truck. (JESSE KABEL)

149

Related posts

Leave a Comment