(NI VIRGI T. TOMANO, SAKSI Sports Editor)
LAS VEGAS — WALANG kahirap-hirap na tinalo ni eight-division world champion Manny Pacquiao via unanimous decision si American fighter Adrien Broner at mapanatili ang kanyang WBA welterweight championship belt, Sabado (Linggo ng umaga sa Manila), sa sagupaang sinaksihan ng mahigit 13,000 katao sa MGM Grand Garden Arena.
Kung sa istorya sa bibliya, nang putulin ang buhok ni Samson ay nawalan ito ng lakas. Si Broner naman nang maahitan ng balbas ay nakalimutan nang sumuntok.
Ang kabuuan ng 12 rounds ay dinomina ni Pacquiao, na naitala ang kanyang ika-61 panalo sa kanyang unang laban sa edad na 40 anyos.
“I feel so happy because I did my best in the fight and in training. Thank God for this victory,” pahayag ni Pacquiao.
Dagdag pa niya: “I’m so happy because God gave me this good health. At the age of 40 I can still give my best. Although I wanted to be aggressive more, my camp told me don’t be careless and to counter him and wait for opportunities.
“I proved in my last fight against Matthysse and now I proved it again. The Manny Pacquiao journey will still continue.
“I wanted to push more but my trainer said don’t be careless. Wait for him, counter, and that’s what I did,” wika pa ni Pacquiao.
175