PAG-EPAL NG MGA KANDIDATO BINABANTAYAN NG COMELEC

PATULOY na binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang insidente ng pasimpleng vote-buying at ginagawang pag-epal ng mga kandidato sa mga graduation sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa pulong-balitaan ngayong araw (Huwebes), sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na may lead na sila sa insidente ng namimigay ng coupon sa Aklan.

Umaasa ang poll body na makikipagtulungan ang publiko at ipararating sa kanila ang ganitong mga insidente upang mabilis nilang maaksiyunan.

Nagbabala rin ang COMELEC sa mga kandidato na huwag umepal o gamitin ang dadaluhang graduation ceremony para mangampanya.

Sa Marikina, ilang magulang ang naglabas ng saloobin sa social media at binatikos si Marikina City Rep. Stella Quimbo matapos umakyat at nagbigay ng mensahe sa isang event sa Malanday Elementary School.

Nagbigay rin ng talumpati sa event ang asawa ni Rep. Quimbo na si dating Rep. Miro Quimbo. Nakita rin ang dating mambabatas kasama ang mga tagasuporta sa labas ng paaralan na namimigay ng pamaypay sa mga estudyante at mga magulang.

Para sa mga netizen, ito’y labag sa umiiral na memorandum 158 ng marikina deped na nagbabawal sa Electioneering at Partisan Political Activities lalo na sa year-end-activities ng mga paaralan na magbibigay sa mga kandidato na magtalumpati.

56

Related posts

Leave a Comment