PAGBAWAS SA SAHOD AT PANANAKIT SUMBONG NG OFW SA SAUDI ARABIA

AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP

DUMULOG ngayon sa AKO-OFW-Saksi ang isa nating kababayan na si Ideza Romano Soratos, 26 years old na kasalukuyang nasa TAIF Saudi Arabia.

Ito’y upang humingi ng tulong para sa repatriation o di kaya’y pagkakaroon ng bagong employer at makapagsimula ng bagong trabaho.

Hindi kasi maganda ang naging karanasan ni Ideza dahil sa pang-aabuso sa kanya ng anak ng kanyang amo.

Inilarawan nito sa AKO-OFW-SAKSI, kung paano siya minamaltrato ng kanyang employer, bago pa man siya maka-tatlong buwan sa pagseserbisyo.

Naranasan nito ang pag-ipit sa kamay sa pintuan ng kanyang among babae at pagbabantang puputulin pa ito at siya’y ipapakulong.

Aniya, dahil sa mga sumbong ng anak ng kanyang employer ay lalong nagalit ang mga ito at tinakot pa siyang kakaltasan ang sahod ng 300 riyal o katumbas ng mahigit P4,000.

Desidido na si Ideza na makaalis sa bahay ng kanyang amo dahil hindi na nito kinakaya ang ‘verbal at physical’ na pang-aabuso.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang aksyon ang FRA o ‘yung Meshal agency na siyang may hawak sa kanya.

Bukas-palad namang tumulong ang AKO-OFW at agad natin ipinaalam kay Atty. She Malonzo ng OWWA ang kanyang sumbong at kahilingan para mailalis sa lalong madaling panahon si Ideza sa kamay ng kanyang employer at makahanap ng bagong amo na tatratuhin siya bilang isang tao na may tamang sweldo.

****

Kung ikaw ay OFW o kapamilya ng OFW na nais magparating ng sumbong o paghingi ng tulong, huwag mag-atubili na lumiham sa amin at ipadala sa aming email address na: akoofwpartylist@yahoo.com o kaya sa saksi.ngayon@gmail.com.

11

Related posts

Leave a Comment