PAGBILI NG TEST KITS NG LGUs, IPAALAM SA DOH-IATF

KAILANGAN munang ipagbigay-alam ng mga Local Government Unit (LGUs) sa Department of Health (DoH) kung bibili at
gagamit ang mga ito ng COVID-19 testing kits.

Ito ang binigyang diin ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases spokesman Karlo Alexei Nograles dahil hindi aniya ganun kasimple ang pagtiyak kung ang isang indibidwal ay positive o negative sa COVID.

Ani Nograles, pre-requisite na maipagbigay-alam na muna at maiugnay sa Health Department ang anomang hakbang na may kinalaman sa paggamit ng testing kits ng mga nasa LGU upang masigurong tama ang bibilhin at gagamitin ng mga ito.

Sa panig naman ng DOH, ipinaliwanag ni Secretary Francisco Duque III na kung hindi tama ang mabibiling test kits ay maaaring magkaroon ng laboratory epidemic.

Hindi aniya isang simpleng test kit gaya ng pregnancy kit ang sa COVID-19 na patak lang ng urine o ihi ay malalaman

na ang resulta, kaya panawagan ng IATF, sundin ang kailangang protocol sa pagbili nito. CHRISTIAN DALE

144

Related posts

Leave a Comment