Pagdinig sa prangkisa, aarangkada na CALIDA ISASALANG AGAD VS ABS-CBN

SISIMULAN na ngayong araw ng House committee on legislative franchise ang kanilang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation kung saan isasalang agad si Solicitor General Jose Calida sa animo’y witness stand.

Ito ang nabatid kay Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado kaugnay ng aniya’y isasagawang ‘fair, impartial at komprehensibong pagdinig sa franchise application ng ABS-CBN bago desisyunan kung aaprubahan ito ng mga kongresista o hindi.

“In relation to this, other than those who have a material stand for or against the franchise application, the Committee on Legislative Franchises shall also call several resource persons to shed light and provide a general overview of the issues. This includes the Solicitor General,” ani Sy-Alvarado.

Magugunita na naghain ng quo warranto petition si Calida sa Korte Suprema laban sa prangkisa ng ABS-CBN dahil sa iba’t ibang paglabag umano sa batas ng network tulad ng usapin sa foreign ownership, hindi pagbabayad ng tamang buwis at iba pa.

Kasabay nito, umapela ang mambabatas sa publiko na subaybayan at panoorin ang isasagawang pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez upang malaman ang mga isyung hindi pa nila alam laban at pabor sa ABS-CBN upang magkaroon din ng ideya ang mga ito kung nararapat bang aprubahan o hindi ang prangkisa ng nasabing network. BERNARD TAGUINOD

175

Related posts

Leave a Comment