CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG sa paputok, mistulang kuwitis lang ang inaasahang rollback sa lahat ng produktong petrolyo sa huling araw ng 2024. Sabagay, pampakalma na rin itong bawas-presyo na puputol sa limang sunod-sunod na linggong pagtaas nito. Pwede na rin itong magandang balita sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero, base sa kanilang 4-day oil trade monitoring, asahan na ang rollback sa gasoline ay P0.30 – P0.65 kada litro. Ang diesel ay maaaring bumaba ng P0.30 hanggang P0.55 kada litro at ang kerosene ay…
Read MoreBAGONG PESO POLYMER BANKNOTES
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG pagpapakilala ng polymer banknotes sa Pilipinas ay nagdulot ng mainit na debate sa social media. Bagama’t itinatampok ng mga awtoridad ang kanilang katibayan at seguridad, ang mga pagbabagong ito ay may mga makabuluhang disbentaha na hindi maaaring balewalain ng mga Pilipino. Sa kabila ng makintab na bagong materyal ay mayroong pagbabago sa disenyo na bumubura sa mga mukha ng ating minamahal na pambansang bayani. Isang hakbang na tila paatras sa paggalang sa ating mga ninuno. Ang isang matingkad na isyu ay ang pagtanggal…
Read MoreP100K PAPUTOK, BOGA NAKUMPISKA SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng mga paputok at 159 piraso ng improvised PVC cannon ang nakumpiska ng mga awtoridad at dinampot ang ilang menor de edad sa isinagawang operasyon kontra illegal firecrackers at boga sa limang lungsod at 11 bayan sa lalawigan. Sa bayan ng Mendez, tinatayang pitong improvised PVC cannon o boga ang nakumpiska sa Brgy. Miguel Mojica, Mendez, Cavite at dinampot ang ilang menor de edad. Tig-11 boga ang nakumpiska sa Brgy. San Rafael 3, sa Noveleta, at sa iba’t ibang barangay sa Cavite City,…
Read More20K TRABAHO BUBUKSAN NG RIC PARA SA BULAKENYO
TINATAYANG aabot hanggang 20,000 trabaho ang maipagkakaloob para sa mamamayang Bulakenyo sa itatayong Racal Industrial City sa bayan ng San Rafael sa lalawigan ng Bulacan. Ito ang inanunsiyo ni Jad Racal, may-ari ng Racal Industrial City, sa kanyang mensahe sa ginanap na groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company Inc., isa sa 800 international at local investors na itatayo sa naturang industrial city, noong Biyernes, Disyembre 27. Ito ay matatagpuan sa 130 ektaryang property sa Viola Highway, Barangay Maronquillo, San Rafael. Ayon kay Racal, aabot ng P2.5-billion ang…
Read MoreNgitngit ng taumbayan dadalhin sa Malacañang PAGPIRMA NI MARCOS SA ‘MOST CORRUPT’ BUDGET PAPALAGAN
(BERNARD TAGUINOD) IMBES ipagbunyi, protesta ang isasalubong sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa 2025 national budget ngayong araw, December 30. Nabatid sa militanteng grupo na kaalyado ng Makabayan bloc sa Kamara na susugod ang mga ito sa Malacañang para iprotesta ang P6.352 Trillion national budget na tinaguriang pinaka-korup sa kasaysayan ng bansa. Unang itinakda ang ceremonial signing sa pambansang pondo noong December 20 subalit inatras ito matapos palagan ng taumbayan ang pagkaltas ng P10 billion sa budget ng Department of Education (DepEd). Hindi matanggap ng lahat na…
Read MorePinangunahan ni Manong Chavit E-JEEP INILUNSAD SA PASIG
NAGING beacon of innovation ang Pasig City nang magsama ang mga Pinoy at South Korean leaders sa pagpapasinaya ng e-Mobility Proof of Concepts kung saan ibinida rito ang mga e-jeepney na magiging daan para magkaroon ng modernong public transportation. Ito ay inorganisa ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na siya ring LCSC Group chairperson at Ako Ilocano Ako Party-list Representative Richelle Singson. Kasama sa pagpapasinaya ang e-mobility trailblazers na sina Young-Jin Joo, CEO ng E-Mon Co. Korea; Jong Gwan Rah, Director ng Korea Automotive Technology Institute (KATECH); Ahn Jae-Bum,…
Read MoreKAMARA UMAASA NG AGARANG AKSYON NG DA SA PRESYO NG BIGAS
UMAASA ang lead chairman ng Quinta Committee na hindi hanggang press release lamang ang Department of Agriculture (DA) sa pagbabawas sa presyo ng bigas at legal na aksyon laban sa mga rice cartel, hoarding at profiteers. “We need action from the DA sooner rather than later, so I hope the study process doesn’t last beyond a few days,” ani Albay Rep. Joel Salceda na namumuno sa imbestigasyon sa mataas na presyo ng bigas kahit sobra-sobra ang supply at mababa na ang presyo nito sa world market. Ginawa ng mambabatas ang…
Read MoreCHINA GUSTONG MAGBENTA NG MILITARY EQUIPMENT SA PILIPINAS?
POSIBLENG nais ng China na sila ang magbenta ng military hardware at weapon sa Pilipinas kaya tinutuligsa ng mga ito ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na sa Estados Unidos bumili ng kagamitan. Ito ang basa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos tawagin ni Chinese Ministry of Foreign Affairs, Mao Ning na “irresponsible choice” ang desisyon ng Pilipinas na sa Amerika bumili. “Baka siguro gusto ng China ay sa kanila tayo bumili ng mga military weapons na kung iisipin ay baka mabudol tayo dahil kilala…
Read MoreLibong Montalbeño hinatiran ng walang kaparis na serbisyo SALAMAT, CONG NOGRALES!
UMABOT sa dalawang libong (2,000) residente ng Montalban, Rizal ang nabahaginan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng inisyatiba ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles. Pinangunahan ni Rep. Nograles ang pamamahagi ng DOLE-TUPAD tulong pinansyal na ginanap sa Primark Town Center sa Brgy. San Jose, Montalban noong nakaraang Biyernes, Disyembre 20, 2024. Isa sa mga benepisyaryo ang tindera ng basahan na si Maryrose Arcillada, single parent na may tatlong anak, residente ng Brgy. San Jose, Montalban. Labis…
Read More