PAGASA ISLAND DINAGSA NG CHINESE SHIPS

INILARAWAN bilang “extraordinarily large” fleet ng Chinese ships ang namataan sa loob ng territorial sea ng Pagasa (Thitu) Island. Ito ang nakita sa West Philippine Sea monitor, araw ng Miyerkoles. Nito lamang Martes, may “73-75 ships” ang namataan sa 2.5 hanggang 5.5 nautical miles (NM) sa bahagi ng Pagasa Island, na nasa loob ng 12 NM territorial waters, ayon kay SeaLight director at retired US Air Force colonel Ray Powell. “[This is] by far the largest PRC [People’s Republic of China] vessel swarm I’ve ever seen off Thitu (Pag-asa) Island,”…

Read More

BIKER MALUBHA SA SAKSAK NG SCAVENGER

SUGATAN ang isang 55-anyos na biker makaraang saksakin ng isang 46-anyos na scavenger sa Nicolas Zamora Street, Barangay 5, Tondo, Manila. Nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Diosdado Pabelonia, may asawa, pedicab driver, at residente ng Tondo, Manila. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Harlem Nitro, 46, sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga awtoridad. Ayon sa ulat nina Patrolman James Duquena, duty officer sa Station Tactical Operation Center, ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, bandang alas-5:40 ng umaga nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente sa…

Read More

Todo-bantay sa inmates SUNOG SUMIKLAB SA TABI NG MCJ

TODO-BANTAY ang mga awtoridad sa inmates sa Manila City Jail nang sumiklab ang sunog sa tabi ng piitan sa Bilibid Viejo, Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Bunsod ng masikip na mga daan sa residential area sa tabi ng MCJ, walang naisalbang gamit ang mga residente dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga kabahayan sa Barangay 310, Zone-31 sa Sta. Cruz. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-9:41 ng gabi na umabot ng ikalimang alarma at tuluyang naapula…

Read More

COL. GRIJALDO UMIIWAS MASINGIL NG QUADCOM?

MAY duda ang Quad Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sadyang umiiwas si Police Col. Hector Grijaldo na ‘masingil’ sa kanyang ikinanta sa Senado na pinilit siyang paaminin sa reward money sa war on drugs. “He wants to run. Running away from his responsibility and mentioning the name of this representation. He tainted the image of this representation, not only of this representation but the whole of Quad Comm,” ani Rep. Dan Fernandez isa sa chair ng Quad Comm. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa ikatlong pagkakataon ay…

Read More

BICAM SA 2025 NAT’L BUDGET ‘SIKRETO’ PA RIN SA TAUMBAYAN

SA kabila ng mga panawagan, hindi pa rin binuksan sa publiko ang Bicameral Conference Committee sa 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion na pormal nang sinimulan kahapon. Una nang naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para buksan sa publiko ang Bicam upang mabantayan ito at maiwasan na may mga isisingit na probisyon na wala sa orihinal na bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso. “Public access to the proceedings of bicameral conference committees will serve as deterrent against questionable insertions and ensure that discussions remain within the…

Read More

ASSETS NI VP SARA PINAG-IINITAN

(CHRISTIAN DALE) NATAWA na lamang si Vice President Sara Duterte nang malaman na iniimbestigahan na siya ng National Bureau of Investigation’s (NBI) hinggil sa paglabag niya di umano sa Anti-Terrorism Act na malinaw na para lamang ma-access ang kanyang ‘assets at mga ari-arian.’ “Natatawa ako sa violations on the anti-terror law kasi sinusubukan nila to reach sa aking properties and assets,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press conference. Ganito rin aniya ang ginawa sa pinatalsik na si Negros Oriental congressman Arnulfo “Arnie” Teves Jr. Matatandaang noong 2023, idineklarang…

Read More

Para ‘di makaporma mga ‘magdedelihensya’ BUSINESS INSPECTION IPINAGBAWAL BAWAL MUNA SA MAYNILA

UPANG masawata ang mga pagtatangkang puwersahang pamamasko o harassment, mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pag-iinspeksyon ng business establishments sa lungsod ngayong holiday season. Ito ay napag-alaman kay City Administrator Bernie Ang, matapos na mag-isyu ng memorandum sa mga sangay ng pamahalaang-lokal na may kinalaman sa pagsasagawa ng mga inspeksyon. Sabi pa ni Ang, ang pagbabawal sa lahat ng uri ng inspeksyon ay epektibo kaagad at sumasakop sa lahat ng uri ng establisimyento kasama na ang shopping malls kung saan maraming stalls, gaya ng 168 at 999…

Read More

REMULLA WALANG MALUBHANG SAKIT – DOJ

WALANG anomang malalang sakit si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Ito ang nilinaw ni DOJ Undersecretary Jesse Andres sa gitna ng mga kumalat na balitang nasa Intensive Care Unit (ICU) ito ng isang ospital. Ayon kay Andres, malabong may malubhang sakit ang kalihim dahil dumadalo pa ito sa mga miting ng ehekutibo at hudikatura. Inilalaan lamang niya ang kanyang oras sa mahahalagang bagay para hindi masayang. Matatandaang noong nakalipas na taon sumailalim si Sec. Remulla sa wellness leave matapos ang kanyang heart bypass operation. Kasabay ng kanyang pag-amin nitong Pebrero…

Read More

SEN GO, ITINANGGI KAIBIGAN NIYA DRUG SUSPECT NA SI ALLAN LIN

INALMAHAN ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kaibigan niya ang drug suspect na si Allan Lin. Binigyang-diin ni Go na matindi ang galit nila sa droga at lalo na sa mga drug lord kaya napaka imposibleng maging kaibigan niya si Lin. Una rito, tinukoy ni PDEA Deputy Director for Operations Assistant Secretary Renato Gumban sa pagdinig ng Kamara si Go bilang isa sa mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kaugnayan kay Alan Lin o Lin Weixiong. Iginiit pa ng…

Read More