PANAHON NG KALAMIDAD: OPISYAL BAWAL BUMIYAHE

baha200

(NI JEDI REYES)

PINAGBAWALAN na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na opisyal na magbiyahe sa panahon na may bagyo, kalamidad o iba pang emergency.

Sa ipinalabas na memorandum ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ipinawalang-bisa niya ang lahat ng aprubado nang biyahe at “leave of absence” ng mga lokal na opisyal sakaling may maganap na natural o man-made disaster.

Diin ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, layon ng direktiba na matiyak ang presensya ng mga local chief executive sa panahon ng kalamidad lalo na’t bahagi ito ng kanilang mandato.

“As we are guided by law, we will exercise it to its full extent to ensure that local chief executives are where they are expected to be in times of disaster or calamities,” ani Malaya.

Kamakailan ay inendorso ng DILG sa Office of the Ombudsman ang mga kasong administratibo laban sa limang alkalde sa Hilagang Luzon na absent o “missing in action” nang panahong manalasa ang bagyong ‘Ompong’ noong Setyembre ng nakaraang taon.

Mayroon ding anim na iba pa ang napagalitan kasunod ng imbestigasyon ng DILG.

326

Related posts

Leave a Comment