PANIBAGONG ‘VARIANT OF INTEREST’ BINABANTAYAN

ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng COVID-19 na mula naman sa mga bansang Peru at Latin America.

Sa press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagamat hindi naman nakaaalarma ang Lambda variant ay mananatili ang strict border control sa bansa.

“Sa ngayon, ang Lambda variant is identified as a variant of interest. So hindi pa siya variant of concern at ang ating pamamaraan ay ganoon pa rin – strict border control. At napatunayan na natin na ito’y epektibo dahil nga sa Delta variant ay wala pang nakakalusot ni isa sa atin pong mga komunidad, wala pa pong local case nor local transmission ano,” ayon kay Duque.

Para naman kay Sec. Roque, nakatulong sa bansa na walang direct flights sa Pilipinas mula sa Latin Amerika dahil ang lahat aniya ng flights ay nag-originate sa Estados Unidos. (CHRISTIAN DALE)

139

Related posts

Leave a Comment