PCOO MAY 8 ACTIVE COVID-19 CASES, 1 NAMATAY

MAYROON nang 8 aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ito ang kinumpirma ni PCOO Assistant Sec. JV Arcena.

Dahil dito, sumailalim sa swab test si PCOO Sec. Martin Andanar kung saan ay negatibo ang resulta na nakuha nito.

Sinabi ni Sec. Andanar na bukod sa 8 active cases, ay mayroong isang staff member ang namatay noong Abril dahil sa virus.

“Hindi talaga pwede magkumpiyansa,”  pahayag ni Sec. Andanar.

Nauna rito, ang tanggapan ng Radio Television Malacañang (RTVM) sa Palace compound ay isinailalim sa lockdown matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang personnel nito.

Ang dalawang personnel na nagpositibo sa respiratory illness ay asymptomatic, ito naman ay ayon kay executive director Demic Pabalan.

Ang RTVM ay isa sa ahensiya sa ilalim ng PCOO.

Ang lockdown ay inaasahan na magtatapos sa susunod na linggo.

Ito’y dahil na rin sa nakatakdang Ulat Sa Bayan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Lunes, Hulyo 27. (CHRISTIAN DALE)

127

Related posts

Leave a Comment