NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa seguridad ng pagkain sa bansa para sa mga susunod na taon.
Ang katuwiran ng Pangulo, baka mahirapan ang bansa sa usapin ng food security dahil sa ilang mga kadahilanan gaya ng patuloy na paglobo ng populasyon o pagdami ng mga tao at patuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nauna rito, hinikayat ng Population Commission ang susunod na administrasyon na maging consistent sa pagpapatupad ng adbokasiya tungkol sa family planning.
At sa nalalapit na pagtatapos ng Duterte Administration, lumabas din naman sa datos ng POPCOM na nasa 8.1 million Filipino couples, partners at individuals ang mulat na sa pagpaplano ng pamilya.
“The population is growing and we have to keep pace. You know even in the food security in the coming years mahirapan tayo.
And the longer that this ruckus in Europe between Russia and Ukraine continues, mag-spiral talaga ‘yan. That’s what I’ve been warning the Filipinos two months ago,” ayon sa Pangulo.
“Sabi ko there is a fighting over there. But ‘yung flow ng oil will be disrupted. And so ‘yung hindi nag-ano sa… Maraming pera sila eh. Makakuha sila ng priority ‘yung — the nations that are rich,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)
214 