PEKENG DOKTOR TIMBOG SA MAYNILA

IaNARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang klinika ang babaeng nagpapakilalang doctor ng aesthetics medicine sa Quezon City noong Lunes.

Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang suspek na si Hazel Pablo Laniog, may-ari ng ZSS Medicare Inc./Zelah Skincare Station sa San Antonio 1, Quezon City.

Nalaman na nagpapanggap lamang si Pablo kaya kumilos ang NBI-Special Action Unit upang maaresto ito sa pamamagitan ng entrapment operation kung saan gumamit sila ng kunwari ay babaeng kostumer para magpatunaw ng taba.

Nabatid sa NBI, siningil umano ng suspek ang nagpanggap na kustomer ng P50,000 para sa nasabing procedure.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong illegal practice of medicine sa ilalim ng RA 2382 (The Medical Act of 1959); Section 10 ng RA 9711 (Food and Drugs Administration Act of 2009); Estafa at Falsification of Private Individual and Use of Falsified Documents sa ilalim ng Article 172 ng Revise Penal Code. (RENE CRISOSTOMO)

364

Related posts

Leave a Comment