PHIL. NAVY MAGKAKAROON NG GUIDED MISSILE CORVETTES

UMAASA ang Philippine Navy na sa susunod na taon ay maide-deliver na ang kanilang bagong warship na isang guided missile corvettes na gawa sa South Korea, ayon sa Department of National Defense (DND).

Kasunod ito ng ginanap na launching ceremony sa Ulsan South Korea para sa isa sa dalawang warship na nasa ilalim ng Philippine Navy (PN) Corvette Acquisition Program, na pinangunahan nismo ni Secretary of National Defense (SND) Gilberto C. Teodoro, Jr., kasma ang ilang senior officials mula sa DND at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Subalit napag-alaman na kinakailangan munang sumailalim sa sea trials at outfitting ang barko na BRP Miguel Malvar na hango sa pangalan ng magiting na Pilipinong rebolusyonaryong heneral na si Gen. Miguel Malvar.

Ang BRP Miguel Malvar ang una sa 2 guided missile corvettes na ipadadala sa bansa habang ang isa naman ay inaasahan na idedeliver sa 2026 na kapwa gawa ng Hyundai Heavy Industries (HHI) of South Korea.

Kasama ni Secretary Teodoro na sumaksi sa paglulunsad sa tubig ng BRP Miguel Malvar, sina Undersecretary for Civil, Veterans and Reserve Affairs Pablo M. Lorenzo, at Undersecretary for Acquisition and Resource Management Salvador Melchor B. Mison, Jr. mula sa DND.

Habang sa panig ang AFP ay pinangunahan ito nina AFP Chief of Staff Gen. Romeo S Brawner Jr., PN Flag-Officer-in-Command VADM Toribio D Adaci, at Commander of Offshore Combat Force Commo. Edward Ike M. De Sagon.

Pinangunahan ni Mrs. Monica Louise Prieto-Teodoro, special envoy to the United Nations Children’s Fund (UNICEF), ang ceremonial launching ng barko kasama si Mr. Lee Sang Kyun, CEO ng HHI.

Hango ang disenyo ng bagong missile corvette sa HDC-3100 convert ng Hyundai Heavy Industries (HHI) subalit binago ito para umakma sa requirements ng PH Navy.

Ito ay may kabuuang haba na 118.4 meters, may lapad na 14.9 meters, kayang maglayag ng may bilis na 15 knots, saklaw ang 4,500 nautical miles at top speed na 25 knots.

Hindi naman idinetalye ang combat system ng BRP Miguel Malvar subalit mayroon umanong advanced weapon systems ang naturang barkong pandigma gaya ng anti-ship missiles, vertical launch systems at state-of-the-art radar. (JESSE KABEL RUIZ)

232

Related posts

Leave a Comment