BJMP DETENTION FACILITIES LUMUWAG

INIULAT ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Ruel Rivera ang pagluwag sa mga piitan sa mga lungsod at munisipalidad sa bansa.

Ayon sa BJMP chief, bumaba sa 322 mula sa 365 percent ang congestion o kasikipan sa kanilang mga detention facilities sa lungsod at sa mga munisipalidad kumpara noong 2023.

Ito umano ay kaugnayan sa pagpapalaya sa mga person deprived of liberty (PDLs) o inmates at sariling pagsisikap ng kawanihan na pahusayin ang mga pasilidad ng kulungan, sa kabila ng limitadong pinagkukunan, ani Rivera.

“Malaki na pong bagay ‘yon dahil mahigit 8,000 ang lumaya doon sa nasabing datos na binigay namin at meron din po kaming 15 na isinaayos at naisagawa na piitan kaya bahagyang nagluwag ito,” dagdag pa ni Rivera.

Subalit sa likod ng bahagyang decongestion ng mga kulungan, tinutugunan pa rin ng BJMP ang kakulangan sa mga kawani upang magampanan nang husto ang pangangasiwa at operasyon ng mga pasilidad.

Inihayag ni Rivera na kulang na kulang sila sa mga jail guard, “Pag tiningnan ho ninyo kulang na kulang po kami, almost half po ang kakulangan. Kaya ‘pag nakikita n’yo mga escorting service namin, sa isang bus, 10, 15 lang ang nag-e-escort.”

Sa kasalukuyan, kailangang isang team leader at dalawang tauhan ang tutulong sa bawat PDL na hindi matugunan ng ahensya. (JESSE KABEL RUIZ)

185

Related posts

Leave a Comment