(NI BERNARD TAGUINOD)
PINAIIMBESTIGAHAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ulat mula sa United National (UN) na nagiging “hotspot” ang Pilipinas ng mga pekeng gamot mula sa ibang bansa.
Sa House Resolution (HR) 220 na inakda ni Laguna Rep. Dan Fernandez, inaatasan nito ang House committee on health at committee on good government sa nakaaaalarmang report ng UN Office on Drugs and Crime.
“Whereas, it was reported by the United Nation Office on Drugs and Crime that the Philippines has the highest incidence of fake medicines in Southeast asia: This report is alarming as the report depicted the country as a “hotspot for knockout drugs,” ayon sa resolusyon ni Fernandez.
Nabatid na noong 2014 hanggang 2017, pumasok sa Pilipinas ang mga pekeng gamot mula sa Pakistan, India at China at naibenta sa mga Filipino sa murang halaga.
Dahil dito, dapat aniyang maimbestigahan ang bagay na ito dahil nakataya ang kalusugan ng mga Filipino sa mga gamot na ito na bukod sa walang bisa ay nabibili lamang ito kahit sa mga sari-sari store.
“Whereas, if report are true that these fake medicines are sold cheap in sari-sari stores, then they are victimizing the poor who often have to borrow money to buy medicines or cost-cut by buying doses lower than what the doctor has prescribed,” ayon pa kay Fernandez.
Dahil dito, dapat aniyang seryoshin ang bagay na ito dahil palaki ng palaki ang nagagastos ng mga Filipino sa gamot at maproteksyunan ang mga ito lalo na ang kanilang kalusugan.
