PINAS MAY 2 KASO NA NG CENTAURUS SUBVARIANT

DALAWANG kaso na ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA 2.75 o “Centaurus” ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa isinagawang genome sequencing.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang dalawang kaso ay nasa Western Visayas. Ngunit kapwa nakarekober na mga ito.

Isa sa kanila ang “partially vaccinated” habang ang isa ay hindi pa nababakunahan ng pangontra sa COVID-19.

Patuloy na inaalam pa ng DOH ang mga impormasyon nila kabilang ang travel history, mga nakasalamuha at lagay ng kanilang kalusugan sa ngayon.

Bagama’t itinuturing na mas nakahahawa kaysa ibang subvariants, sinabi ni Vergeire na wala pa namang aktuwal na pag-aaral na makapagsasabi na mas nakapagdudulot ito ng malubhang sakit.

Samantala, nakatukoy rin ang DOH ng panibagong 1,015 kaso ng Omicron subvariant BA.5 sa lahat ng rehiyon maliban sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao. Sa kabuuan, nasa 3,102 na ang mga kaso ng BA.5 sa bansa.

May 26 kaso naman ang nadagdag sa BA.4 subvariant habang 18 pang panibagong BA.2.12.1 subvariant ang natukoy rin. (RENE CRISOSTOMO)

192

Related posts

Leave a Comment