‘PISTAHAN SA MEGA’ 5-COCK DERBY SA ROLIGON

MATAPOS ang halos dalawang taon, balik paluan na sa pamosong Roligon Mega Cockpit sa Parañaque sa nakatakdang ‘Pistahan sa Mega’ 5-cock derby na may garantisadong P3 milyon papremyo simula sa susunod na buwan.

Sa Abril 21 (Huwebes) ang unang 2-cock elimination na may day champion prize na P100,000. Susundan ito ng dalawa pang 2-cock eliminations para sa unang 100 kalahok sa Abril 25 (Lunes), at Abril 28 (Huwebes).

Kasado na rin ang pupugan sa pamamagitan ng Mega Promotion at pagtataguyod ng Thunderbird’s The Winning Formula sa ­pagpapatuloy ng 2-cock elims sa Mayo 2 (Lunes), Mayo 5 (Huwebes), Mayo 12 (Huwebes), Mayo 16 (Lunes) at Mayo 19 (Huwebes).

Magsisilbing host si Ka Lando Luzong & Friends sa kompe­tisyong apordabol ang entry fee sa halagang P4,400 at minimum bet na P4,400.
May nakalaang P1.7 milyon premyo sa tatanghaling kampeon sa 3-cock Finals sa Mayo 23 (Lunes).

Paghahatian naman ang P800,000 ng mga day champions (P100,000 per elims sa Roligon), habang may P400,000 ang entries na makakaapat (4) na puntos, at may P100,000 na premyo rin ang handler at P50,000 para sa gaffer.

Ito ang unang pagbabalik aksyon sa Roligon matapos ang halos dalawang taong lockdown bunsod ng COVID-19 ­pandemic, matapos ibaba kamakailan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Alert Level 1 status sa Kamaynilaan at mga karatig ­lalawigan sa Luzon, gayundin sa ilang piling mga lugar sa Visayas at Mindanao. (DENNIS IÑIGO)

318

Related posts

Leave a Comment