BUMABA at nasa plateau na ang estado ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa mga nakalipas na araw.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang ibig sabihin lamang nito ay napananatili nang muli sa lebel na hindi na tumataas ang kaso nito sa mga nagdaang araw.
Aniya, nagkaroon man ng pagtaas sa kaso partikular noong isang buwan, ito naman ay napababa rin at namamantine ng muli sa range na hindi na sumisipa.
Nai-record ang pagtaas sa kaso ng covid noong nagdaang buwan kasunod ng pagdiriwang ng 2020 holiday season at ng Traslacion.
Sa gitna ng muling pagbaba ng datos sa kaso ng corona virus ang patuloy ring magandang status ng recovery rate ng bansa na nasa 92.7%. (CHRISTIAN DALE)
134
