NAKAPAKO sa 125 ang bilang ng mga nasawing kagawad ng Philippine National Police sa COVID-19 subalit nadagdagan naman ng 436 ang bagong kaso nito sa hanay ng kapulisan.
Sa datos ng PNP Health Service, hanggang nitong Lunes (January 10), 43,603 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng PNP.
Sa nasabing bilang, 1,884 ang aktibo pang kaso, habang may lima namang pulis ang gumaling.
Dahil dito, 41,594 ang total recoveries sa hanay ng PNP at walang bagong napaulat na nasawi.
Samantala, sa record ng Department of Health (DoH) ay nasa 28,707 ang karagdagang kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na linggo, 2,579 ang bagong gumaling at 15 ang pumanaw.
Nitong Lunes, nagtala ng 33,169 new COVID-19 cases sa bansa sa ikatlong sunod na araw. (JESSE KABEL)
184 