‘POLITICAL ATTACKS’ DINEDMA NI PASIG MAYORALTY BET SARA DISCAYA

HINDI papatinag si Pasig City mayoral candidate Sara Discaya sa aniya ay, negatibong taktika ng ilang media na ginagamit ng kanyang katunggali para magpakalat ng political attacks laban sa kanya.

Kasunod ito ng video na lumabas sa online news site na Rappler kamakailan kung saan ipinakita ang pagtulak umano ng mga supporter ni Discaya sa isang reporter na nais siyang makapanayam.

Ayon kay Discaya, hindi totoo ang pinalabas sa nasabing video. Hindi rin ito binigyang-pansin ng mga netizen sa Pasig sa paniwalang panibagong political ploy lamang ito ng kampo ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Patuloy naman ang aktibong pangangampanya ni Discaya at pakikipag-usap sa mga komunidad para ibahagi ang kanyang mga nais isulong sa lungsod.

Naniniwala si Discaya na mahalaga ang pagkakaroon ng open communication at kolaborasyon sa mga residente.

Kinondena ng kampo ni Discaya ang ginagawang unfair competition ng kanyang kalaban at pagtutok sa pagpapakalat ng negatibong impormasyon laban sa kanya.

Akusa ng kampo ni Discaya, sa halip na sagutin ni Sotto ang reklamo ng mga residente na nakukulangan sa serbisyo ng LGU ay gumagawa ito ng paraan upang lituhin ang mga botante. Nangako si Discaya na sa nalalabing ilang araw bago ang eleksyon ay magpapatuloy ang kanilang positive campaign na nakasentro sa transparency at accountability, upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa local governance.

41

Related posts

Leave a Comment