PONDO SA AYUDA SAPAT

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi mauubusan ng pondo ang pamahalaan para sa ayuda sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pinanghawakan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez, na mayroong available funds kung saan kabilang na rito ang dividends ng Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCC) at savings mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ang Kongreso aniya ay maaaring magbigay ng supplemental budget kung kinakailangan.

“Hindi po tayo mauubusan ng pondo, iyan ang assurance natin sa taumbayan,” ayon ka Sec. Roque.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na gagastos ang gobyerno ng P13.1 billion para maibigay ang cash aid o ayuda sa mga low-income families sa Metro Manila sa panahon ng dalawang linggong implementasyon ng ECQ mula Agosto 6 hanggang 20.

Samantala, nagpupulong naman ngayon ang Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-usapan kung ilalagay din ang CALABARZON region sa ilalim ng ECQ.

Aniya, hindi ganoon kadali na ilagay sa ilalim ng ECQ ang nabibilang sa “highly urbanized areas” gaya ng Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon, kung saan nanggagaling ang 60% ng

Gross Domestic Product ng bansa.

Matatandaang nagdesisyon ang national government na ilagay ang Kalakhang Maynila sa ilalim ng ECQ sa loob ng dalawang linggo dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta coronavirus variant. (CHRISTIAN DALE)

412

Related posts

Leave a Comment