1 PANG BLOKE NG ‘COCAINE’ NAKITA SA QUEZON

block1

ISA na namang hinihinalaang bloke ng cocaine ang natagpuan sa baybayin ng Brgy. San Jose, Mauban, Quezon.

Sinabi ni PO2 Mark Anthony Malipol na naglalakad sa baybayin ang isang barangay tanod na si Jonel nang makita ang isang bloke na nakabalot sa duct tape. Dahil sa mga balita tungkol sa mga naglulutangang bloke ng cocaine, pinulot niya ito at dinala sa punong barangay.

Binuksan umano nila ito at nang makita ang puting pulbos ay agad na silang tumawag sa pulisya.

Tumimbang ng 1.1 kilograms ang hinihinalang cocaine na dinala na sa crime laboratory para suriin.

118

Related posts

Leave a Comment