1 PATAY, 1 SUGATAN SA BUNDOL NG VAN

LUCENA CITY – Patay ang isang dalagitang backrider habang sugatan ang driver ng motorsiklo makaraang mabangga ng isang kasunod na van noong Sabado ng gabi sa lungsod na ito.

Ayon sa Lucena City police, dead on the spot ang babae habang walang malay na isinugod sa ospital ang driver dahil sa mga pinsala sa ulo at katawan.

Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-6:30 ng gabi, magkasunod na tumatakbo sa Lucena diversion road ang motorsiklo ng mga biktima at ang Nissan Urvan van na minamaneho ni Paul John Catapangan, ngunit pagsapit sa Barangay Silangang Mayao ay huminto ang motorsiklo.

Hindi agad ito napansin ng driver ng van kaya naararo ang sinusundang motorsiklo na agad na ikinamatay ng backrider. Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang ‘di pa kilalang driver ng motorsiklo.

Sumuko sa pulisya ang driver ng van na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries and damage to property.

(NILOU DEL CARMEN)

160

Related posts

Leave a Comment