1 PATAY, 5 SUGATAN SA TRAILER TRUCK

CAMARINES Sur – Nagkalat ang dugo sa kalsada makaraan salpukin ang dalawang motorsiklo ng kasalubong na trailer na nagresulta sa pagkamatay ng isang biktima at ikinasugat ng limang iba pa sa lalawigang ito.

Agad namatay sa insidente ang isang menor edad at dinala naman sa ospital mga sugatan na kinilalang sina Rey Bantayan, Angelo Cadores, Joel Pletado, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang biktima.

Batay sa report ng Camarines PNP, nangyari ang insidente sa Zone 8, Barangay San Jose, Minalabac, Camarines Sur.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng mga biktimang sakay ng dalawang motorsiklo ang kahabaan ng kalsada sa naturang lugar nang bigla na lamang silang mahagip ng kasalubong na trailer na hinihila ng isang hand tractor.

Sa lakas ng salpukan, sumemplang ang dalawang motorsiklo at tumalsik ang mga sakay nito. (ANNIE PINEDA)

76

Related posts

Leave a Comment