CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang 10-anyos na batang lalaki na hinihinalang “nilamon” ng tubig nang naligo sa creek kasama ang ibang mga bata sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon.
Kinilala ang biktimang si alyas “Yohann”, ng Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa ulat, bandang alas-2:00 ng hapon nang magtungo ang biktima kasama ang ilang kaibigan upang maligo sa isang creek sa St. Anthony Subdivision sa Barangay Salitran III, Dasmariñas City, Cavite.
Ngunit napansin ng mga kasama na bigla na lamang umanong lumubog ang biktima at hindi na nakita.
Humingi na ng tulog ang mga magulang ng biktima upang mahanap ang katawan nito. (SIGFRED ADSUARA)
42