(NI HARVEY PEREZ)
MAY 16 na bayan sa Iloilo City ang inilagay ng Commission on Elections (Comelec) sa “hot spots” sa darating na national and local elections sa Mayo 13.
Nabatid kay Atty. Roberto Salazar, provincial Comelec supervisor sa Iloilo, base sa kanilang record, tatlong bayan ang nasa red category; siyam ang nasa orange category at apat sa yellow category.
Nabatid na ang “yellow category” ay nangangahulugan na may matinding political rivalry, may presensiya ng private armed groups, may insidente ng election-related violation sa nakalipas na halalan at may presensiya ng New People’s Army (NPA).
Ang mga bayan na nasa ilalim ng “Orange category” ay kilalang mayroon mga terror group. Habang ang “red category” ay tumutukoy sa sitwasyon sa ilalim ng yellow at orange category.
Nagpahayag ng pangamba ang Comelec na ilang kandidato sa lugar ang maaring gumamit ng private army sa pananakot at vote buying.
155