2 ISIS SUICIDE BOMBERS SA JOLO CATHEDRAL 

isis

(NI AL JACINTO)

ZAMBOANGA CITY – Inako kahapon ng Islamic State in Iraq and Syria o ISIS ang madugong atake sa Jolo cathedral at sinabing dalawang suicide bombers ang nasa likod nito.

Sa pahayag ng ISIS na inilabas ng sariling Amaq News Agency, sinabi nito na unang nagpasabog ang isang suicide bomber ng kanyang explosive belt sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral at ang ikalawa naman ay sa labas nagpasabog ng sarili na kung saan ay naroon ang maraming mga sundalo.

Ito rin ang sinabi ng SITE Intelligence Group, isang U.S. company na nagmo-monitor sa online activity ng mga jihadist organizations.

“ISIS, through Amaq and communiqué, claim deadly bombing on Christian church in Jolo, stating it was carried out by two suicide bombers. One detonated belt at church gate and second in church’s private lot where Filipino security forces gathered after first blast,” ayon sa tweet ni Rita Katz, ang SITE director.

Maging ang Long War Journal ay nag-ulat rin na target talaga ng ISIS nitong Linggo ng umaga ang “Christian temple,” at binomba ito sa kalagitnaan ng “gathering of the Crusaders to perform their polytheist rituals.”

Hindi naman sinabi ng mga ulat at Amaq kung mga dayuhan ang mga suicide bombers o Pilipino.

Ajang-Ajang

Naunang sinabi ng militar na kagagawan “Ajang-Ajang Group,” isang unit ng Abu Sayyaf, ang nagpasabog ng bomba – isa sa loob ng simbahan at isa sa labas na kung saan ay iniwan umano sa tool box ng nakaparadang motorsiklo ang improvised explosive. Ang mga lider ng Abu Sayyaf ay nanumpa sa ISIS at nakikipaglaban upang maitatag ang isang caliphate sa Mindanao.

Ayon sa awtoridad, 2o ang nasawi at mahigit 70 ang sugatan sa atake.

Security Lapses

Kahapon ay nagtungo sa Jolo sina Defense Chief Delfin Lorenzana at Police Chief Oscar Albayalde upang personal na malaman ang pangyayri. Inamin ni Albayalde na pumalpak ang seguridad ng pulisya sa Jolo kung kaya’t naganap ang atake. Dahil dito ay inilabas ng pulisya sa mataas na alertio ang buong puwersa nito sa bansa.

Dastardly Act

Kinondenang muli kahapon ni Sulu Governor Toto Tanang atake at tinawg itong “dastardly act committed inside a place of worship and wrecked deaths and devastations beyond imaginable reasons, and deserves the strongest of condemnation. Words elude us at this moment of profound grief.”

“Sulu can rightly claim to be the most tolerant of any Muslim-dominated provinces in the region. Neighbors before the war of the 70s are still good neighbors until this very day. We should never allow anyone or anything to destroy what we have strongly built and nurtured through generations and so endearing to last for many more lifetimes to come, Inshallah!”

“As I deeply grieve and condole with the bereaved, I beseech everyone to exercise sobriety and allow concerned authorities and all instrumentalities of government to bring the perpetrators of this heinous and inhuman act to account for what they did to Sulu and its people. They should not go unpunished,” dagdag pa nito.

 

 

124

Related posts

Leave a Comment