2 MOST WANTED PATAY SA BUY BUST OPERATION

BULACAN – PATAY ang  dalawang itinuturing na most wanted sa San Jose del Monte, Bulacan sa isang  magkahiwalay na operasyon ng mga pulis, nitong Martes ng gabi.

Sa report, lumitaw nakipagpalitan ng putok ang suspek na si Jovan Magtanong na itinituring na no. 4 most wanted sa Barangay San Rafael nang magpositibo sa isinagawang buy-bust operation.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, director ng Bulacan Police Provincial Office, sangkot umano ang suspek sa iba’t ibang kaso at labas-masok sa kulungan.

“Meron siyang other criminal activities. Isa ‘yung holdup-robbery at carnapping involved din siya,” ayon kay Bersaluna.

Samantala, sa kabilang barangay,  patay naman sa sagupaan ang no. 6 most wanted na si Alvin Sape, alyas Bino.

Nanlaban umano ang suspek nang aarestuhin ng mga pulis at nakuha mula sa pag -iingat  nito ang baril   ilang sachet ng hinihinalang shabu.

7

Related posts

Leave a Comment