4 TIMBOG SA DRUG SESSION

ARESTADO  ang apat  na trabahador ng tinaguriang “Stairway to Heaven” footbridge sa Scout Borromeo St., Quezon City habang bumabatak ng ilegal na droga sa kanilang barracks.

Ayon sa pulisya, inireklamo ng isang concerned citizen ang mga trabahador dahil umano sa lantarang bentahan at paggamit ng droga.

Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng droga habang naka-duty.

“Lagi po kasi kaming puyat eh. Baka po madisgrasya, masyado pong mataas. Baka antukin kami,” ayon sa isang suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang  apat  na sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Samantala, sinabi ni Celine Pialago, tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ipauubaya nila sa pulisya ang insidente.

“We will leave it up to PNP kasi drug case ‘yan. Hindi makakaapekto sa target opening date ng footbridge ang nangyaring insidente kasi responsibilidad ng contractor mapalitan agad ang mga naarestong workers,” ayon Pialago.

6

Related posts

Leave a Comment