2 PA SA BATOCABE SLAY SUMUKO

batocabe

DALAWA pang suspect sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe ang sumuko Sabado ng umaga kung saan anim na ang kabuuang suspect na nasa kostodiya ng pulisya.

Sina Rolando Arimando at Danielo Muella ay sumuko dalawang araw matapos sumuko ang main gunman na si Henry Yuson. Sinabi ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde na ang tatlo na nasa pangangalaga na ng kapulisan ay sina Christopher Naval, Emmanuel Rosello, at Jaywin Babor. Ang ikapitong suspect, umano’y mastermind na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo, ay nahaharap ngayon sa kasong murder. Itinanggi nito ang lahat ng akusasyon sa kanya.

Si Arimando umano ang nagsilbing look-out at backup gunman sa pagpaslang kay Batocabe noong December 22 matapos ang gift-giving activity sa Daraga, Albay, kasama ang kanyang police escort na si SPO2 Orlando Diaz. Si Muella ay kinilala na bumili ng dalawang .45 kalibre na ginamit sa pamamaril.

Sinabi ng mga suspect na inalok nila ng mayor ng P5 milyon para itumba si Batocabe na sinasabing mahigpit na kalaban ni Baldo sa nalalapit na eleksiyon.

6

Related posts

Leave a Comment