2 PATAY SA AKSIDENTE SA CAVITE

CAVITE – Kapwa hindi umabot nang buhay sa ospital ang dalawang indibidwal makaraang masangkot sa aksidente sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong Huwebes ng gabi.

Isinugod sa Dra. Salamanca Hospital ang biktimang si alyas “Jerome” habang sa Silang Medical Specialist Hospital isinugod si alyas “James” subalit kapwa idineklarang dead on arrival dahil sa grabeng pinsala sa kanilang katawan.

Ayon sa ulat, minamanaho ni Jerome ang kanyang sasakyan habang binabagtas ang Manila-Cavite Road patungo sa direksyon ng Cavite City proper bandang alas-5:30 ng umaga.

Minamaneho naman ni alyas “Rodel ang kanyang sasakyan at binabagtas din ang nasabing lugar patungo sa direksyon ng Noveleta proper.

Ngunit pagsapit sa Brgy. Rafael IV, Noveleta, Cavite nang bigang pumihit sa kabilang linya ng kalsada ang sasakyan ng biktima dahilan upang mabangga nito ang sasakyan ni Rodel at ang kasunurang sasakyan ni alyas “Jeric”.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang katawan ng biktima dahilan ng pagkamatay nito.

Base naman sa footage ng closed circuit television (CCTV), kitang-kita na binabagtas ng isang sasakyan ang kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Lalaan 2, Silang, Cavite galing Tagaytay City patungong Dasmariñas City bandang alas-11:15 ng gabi noong Huwebes.

Ngunit nabangga nito ang biktimang si James na nakatayo sa sidewalk at papatawid sa lugar.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit hindi umabot nang buhay dahil sa malubhang pinsala sa katawan. (SIGFRED ADSUARA)

169

Related posts

Leave a Comment