2 SAKSI SA BATOCABE SLAY NASA PNP NA

batocabe

DALAWANG witness sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang nasa pangangalaga na ng pulisya. Nakuhanan na din umano ng salaysay ang mga ito na malaking tulong upang makilala ang mga nasa likod ng krimen. Naniniwala ang pulisya na ang P50 milyon reward sa makapagtuturo sa mga suspect at matinding pagmamahal ng mga supporters kay Batocabe ang dahilan sa mga dagdag impormasyong natatanggap sa ikalilinaw ng kaso. Wala pang malinaw na anggulo sa Batocabe killing ngunit naniniwala ang pulisya na malapit na nilang mabuo ang tinututukang anggulo sa paglitaw ng dalawang witness.

7

Related posts

Leave a Comment