SPECIAL TASK GROUP SA COTABATO BOMBING

cotabato1

(Ni FRANCIS ATALIA)

ISANG task group ang binuo ng PNP-12 para sa malalimang imbestigasyon sa nangyaring pag-sabog sa isang mall sa Cotabato City noong bisperas ng Bagong Taon kung saan dalawa ang patay at 32 ang sugatan.

Ayon sa spokesman ng PNP-12 na si PSupt. Aldrin Gonzales, ang binuong Special Investigation Task Group Southseas ay alinsunod sa direktiba ni Regional Director CSupt. Eliseo Rasco upang alamin ang mga nasa likod ng insidente.

Naniniwala ang opisyal na hindi ito kagagawan ng isang grupo bagama’t inamin niyang wala pa silang lead kung sino ang mga responsable sa pambobomba sa South Seas Mall sa Magallanes St., Cotabato City.

Matatandaang Dawlah Islamiyah at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sinabi ng Philippine Army na posibleng nasa likod pambobomba.

10

Related posts

Leave a Comment