BACOLOD CITY – Tumanggap ng P900,000 ang dalawang samahan ng mga magsasaka mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) – Negros Occidental South na gagamitin sa proyektong pakikinabangan ng mga magsasaka.
Ayon sa DAR, ang Barangay Ara-al Agrarian Reform Beneficiaries Association (Baarba) sa La Carlota City at Sta. Rita Multi-Purpose Cooperative (SRMPC) sa Bago City na nakatanggap ng tig-P450,000 bawat isa ay benepisaryo ng Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) na programa ng pamahalaan.
Ang nasabing tulong-pinansiyal ay gagamitin sa Village Level Farm-Focused Enterprise Development (VLFED).
Ayon sa DAR, 149 magsasaka ang makikinabang sa Baarba, samanatalang 54 naman sa SRMPC.
Sabi ni Provincial Agrarian Reform Officer Enrique Paderes, ang nasabing halaga ay dapat ilaan sa pag-sasanay ng kasapian ng dalawang organisasyon ng magsasaka at sa pagpapatayo ng processing center ng mga produkto ng bawat proyekto.
Ani Paderes, sagot ng mga benepisaryong magsasaka ang bayad sa mga gagawa ng proyekto at sila na rin ang may kargo sa marketing ng mga produkto nito.
Tiniyak ng opisyal na malaking tulong sa magsasaka ang nasabing tulong-pinansiyal ng DAR.
122