3 MAIL-ORDER BRIDES NASABAT NG BI SA CEBU

NAUDLOT ang tangkang pagbiyahe ng tatlong Pinay na nagpakita ng PSA issued marriage certificates, nang pigilan sila ng mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa magkahiwalay na insidente.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga babaeng biktima ay may edad na 29, 25, at 24-anyos.

Ang babaeng 29-anyos na kasama ang 30-anyos Chinese man na nagpakilalang asawa nito, ay tinangkang sumakay ng biyaheng China Eastern Airlines flight patungo sa Shanghai nang nasabat sila ng mga miyembro ng BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa MCIA.

Nakitaan ng maraming hindi parehas sa kanilang mga dokumento ang dalawa kabilang ang kanilang PSA marriage certificate, hindi tiyak kung kailan sila ikinasal, sa bandang huli ay inamin na nagbayad siya ng P17,500 para sa proseso ng dokumento.

Ganito rin ang pangyayari sa 24 at 25-anyos na bumiyahe kasama ang kanilang Chinese na asawa, na nagpakita ng PSA marriage certificates na sa bandang huli ay inamin na inayos lamang ito ng isang tao. (JOCELYN DOMENDEN)

42

Related posts

Leave a Comment