300-K MOTORISTA INAASAHAN SA SCTEX, NLEX

sctex12

(NI ELOISA SILVERIO)

INAASAHANG daragsa ang may 300,000 motorista, karamihan ay mga turista, sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) na sasamantalahin ang mahabang bakasyon ngayong Semana Santa.

Dahil dito, kanya-kanyang paghahanda ang isinasagawa ng mga pamahalaang lokal ng lalawigan ng Bulacan, katuwang ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, para sa kanilang “Oplan Lakbay Alalay” (SUMVAC 2019) at maging ang pamunuan ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ay handang- handa na rin kasabay ng paglulunsad ng 10th year “Safe Trip Mo Sagot Ko 2019” (SMSK).

Tatlong lugar sa Bulacan ang tatayuan ng first aid stations mula Abril 18-19 at bukas 24/7 sa Brgy. Kapitangan sa Paombong at National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Brgy. Sta. Rosa I, Marilao habang mula Abril 15-21 naman sa harap ng gusali ng kapitolyo mula ika-6:00 ng umaga hanggang ika-6:00 ng gabi.

Sinabi ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na layon ng gawaing ito na masigurong ligtas ang mga biyahero at motorista na daraan at papasyal sa lalawigan kung kaya’t inatasan ang mga kawani mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Mangement Office-Bulacan Rescue, PNP, Philippine Army, non-government organizations, mga volunteer na rescue team at katuwang na iba’t ibang grupo sa lalawigan.

103

Related posts

Leave a Comment