4 PATAY, 6 SUGATAN SA BANGGAAN NG 3 TRUCK

BAGUIO City – Patay ang anim katao makaraang magkarambola ang tatlong truck, kabilang ang isang garbage truck ng lokal na pamahalaan ng Baguio City, nitong Lunes ng umaga sa Marcos High-way sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga biktimang sina Reymark Dela Rama, empleyado ng General Services Office-Baguio; Mark Collantes, Mrson Aoay Manalastas, Rustom dela Rama, Mark Alvin Collantes, at Billy Joe Collantes.

Ayon kay P/Maj. Dominador de Guzman, hepe ng Tuba Municipal Police Station, dakong alas-4:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Marcos Highway, Bontiway, Poblacion, Tuba, Benguet.

Lumalabas sa pagsisiyasat, minamaneho ni Mark Collante ang garbage truck ng Baguio (SKR 634) nang mabangga nito ang dump truck (NFX-7477) na minamaneho naman ni Manalastas.

Sa lakas ng salpukan, nahagip ng mga ito ang harapang bahagi ng trailer truck (RHK-439) na minamaneho ng hindi pa kilalang driver, na nasa kabilang linya at patungong Baguio City.

Dahil pababa ang kalsada, nagtuloy-tuloy ang garbage truck hanggang sa bumangga ito sa right-side concrete barrier ng kalsada at tumagilid.

Agad namatay ang apat katao habang dinala naman ang anim na sugatan sa Baguio General Medical Center para sa agarang lunas ngunit nalagutan din ng hininga ang dalawa sa mga ito. (ANNIE PINEDA)

148

Related posts

Leave a Comment