5 TULAK PATAY SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Patay ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang tatlong miyembro umano ng robbery holdup and motornapping gang, makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga napatay na sina Avril Castro, 33, binata, ng Brgy. Bagbag I, Rosario, Cavite, isang alyas CJ, at isang ‘di kilalang lalaki at alyas Fritz Malon Florentino ng Hotelier Village, Brgy. Bucandala 5, Imus City, Cavite.

Bukod kay Florentino, ang tatlo ay pawang mga miyembro umano ng Bautista robbery holdup at motornapping criminal group na responsable sa ilegal activities sa Rosario at kalapit na bayan at lungsod.

Napag-alaman, ang nasabing grupo ay nasa ilalim ng case operational plan (COPLAN) ng Rosario MPS.

Ayon ulat ni P/SSgt. Ellezer Tagalog ng Rasario Municipal Police Station, dakong alas-3:30 nitong Linggo ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operations ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Rasario MPS at PDEA 4A sa Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite kung saan target ang mga suspek.

Dumating ang suspek na si Castro sa lugar sakay ng isang motorsiklo at angkas si alyas CJ at isa pa.

Agad nakipagtransaksiyon ang mga suspek sa pulis na umaktong poseur buyer at sa kalagitnaan ng “bentahan” ay nagbigay ng

pre-signal ang awtoridad ngunit nahalata ni Castro.

Bunsod nito, pumalag si Castro at nagbunot ng baril subalit nagmintis kaya gumanti ng putok ang awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nagtangka namang tumakas ang dalawang kasama ni Castro na pinaharurot ang motorsiklo ngunit nakorner na nagresulta sa palitan ng putok na ikinamatay ng mga ito.

Hindi naman inakala ng suspek na si Florentino na pulis ang kanyang katransaksiyon sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Imus CPS at PDEA 41, dakong alas-12:40 nitong Linggo ng madaling araw sa Brgy. Malagasang, Imus City, Cavite.

Bunsod nito, nagbunot ng baril si Florentino at nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na kanyang ikinamatay.

Bumulagta ring walang buhay ang suspek na si alyas Rikitoy nang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Naic Municipal Police Station at PDEA 4A sa buy-bust operation dakong alas-9:55 noong Sabado ng gabi sa NHA Balai Isabel Subd., Brgy, Malainen Bago, Naic, Cavite. SIGFRED ADSUARA)

101

Related posts

Leave a Comment