Naka-uniporme ng MTPB NANGONGOTONG SA TRUCKERS SA R-10 TIMBOG

ARESTADO ang isang pekeng miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na matagal nang nangingikil sa mga truck na bumibiyahe sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Tondo.

Bunsod nito, pinuri ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si MTPB Chief Dennis Viaje at ang Manila Police District (MPD).

Iniharap ng alkalde ang suspek na hindi na pinangalanan, habang nakasuot pa ng lumang uniporme ng MTPB.

Kasabay nito, nagbabala ang alkalde sa lahat ng traffic enforcers na huwag masasangkot sa iregularidad dahil mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod ang ‘one-strike policy’ pagdating sa pangingikil at iba pang anomalya sa trabaho.

Kapuna-puna, ayon sa alkalde na ang suspek ay umabot na sa pagsusuot ng pekeng MTPB uniform upang makatulong sa kanyang pangingikil at magmukha siyang totoong MTPB enforcer.

“Ito ‘yung inirereklamo ng mga truckers na nangongotong sa R-10. Baka naman puro kayo reklamo tapos hindi ninyo ito kasuhan. Imbes na puro kayo kiyaw-kiyaw, tulungan ninyo kami na mai-hoyo ito. Kasuhan n’yo,” sabi ni Moreno.

Sa panig ng pamahalaang lungsod, inatasan ng alkalde ang pulisya na magharap ng kasong extortion at usurpation laban sa pekeng MTPB enforcer.

“Ayokong me nangongotong sa R-10 ha,” sabi ng alkalde sa mga pulis. Kasunod nito, pinasalamatan din alkalde si Viaje sa pakikipagtulungan sa mga operatiba na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

“Thank you sa iyo. Huwag ka titigil… linisin mo pa. Thank you very much… good job,” sabi ni Moreno kay Viaje.

Nakiusap din ang alkalde sa lahat ng drivers at owners ng trucks na bumibyahe sa R-10, na tingnan at mukhaan ang suspek kung sila ay nabiktima nito  at magsampa ng kaso kung kinakailangan. (RENE CRISOSTOMO)

85

Related posts

Leave a Comment

ADVERTISE WITH US!

Email: advertise@saksingayon.com

Phone: 7757-2769

Address: #85 Unit F, Scout Rallos St., Brgy. Sacred Heart, Diliman, Quezon City