7 LUGAR SA CAVITE  SAKOP NA NG ‘IMMEDIATE CONCERN’ 

cavitemao12

(NI SIGRED ADSUARA)

PITONG lugar sa Cavite ang tinututukan ngayon bilang ‘election areas of immediate concern’ sa Mayo 13.

Kabilang dito ang lungsod ng Imus, Dasmarinas, Gen. Trias, Trece Martires, ang mga bayan ng Kawit, Rosario at Maragondon, pawang sa Cavite.

Sa idinaos na send-off ceremony nitong Martes sa Camp BGen Pantaleon Garcia  sa Imus City, Cavite  na  pinangunahan ni Provincial Director, Police Coronel Willaim Segun, sinabi na ang mga areas of immediate concern ay magkakaroon ng dagdag-puwersa upang masiguro ang malinis at mapayapang halalan.

Bukod sa karagdagang puwersa, magsasagawa rin ng checkpoints sa piling lugar, serbisyo ng search and arrest warrant para sa illegal possession of firearms at paglabag sa Comelec gun ban gayundin ang vote buying .

 

319

Related posts

Leave a Comment